EVENT: Ako sa Pagbubuo ng Nasyon

Mapagpalayang Araw sa ating lahat!!!

Ang Museo ni Jose Rizal Fort Santiago, katuwang ang Departamento ng Edukasyon—Maynila, ay magsasagawa ng Patimpalak sa Talumpating Handa na pinamagatang “Ako sa Pagbubuo ng Nasyon” sa ika-30 ng Agosto, ala-1 ng hapon, bilang pagdiriwang sa Buwan ng Kasaysayan at Buwan ng Wika. Bibigyan-buhay rin ng mga kalahok ang ilang piling tauhan sa Noli at El Fili: Basilio, Donya Victorina, Elias, Huli, Kapitan Tiago, Maria Clara, Padre Damaso, Padre Florentino at Sisa.

Ang tema ng Buwan ng Kasaysayan 2019 ay:
"Kasaysayan: Bahagi ng Ating Nakaraan, Gabay sa Kinabukasan"

Kita kits!!!

#MakeItHistoric #NHCPMuseums #BuwanngKasaysayan #BuwanngWika

 

Visit Museo ni Jose Rizal Fort Santiago Facebook page.